Senglot tinodas sa kabastusan

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Napatay ang 42-anyos na lalaking senglot na nambastos at yumakap sa ibang misis matapos pagtatagain ng utol ng huli sa bayan ng Dupax del Norte, Nueva Vizcaya kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Bobby Wagayen, 42, tubong Mount Data, Baoco, Mt. Province at pansamantalang nakatira sa Barangay Bulala, Dupax del Norte. Ayon kay P/Chief Insp. CI Robert Agustin, hepe ng PNP Dupax del Norte, lumilitaw na tinangkang yakapin ni Wagayen ang di-kilalang misis matapos pasukin ang bahay ng pamilya Alcantara. Humingi naman ng tulong ang misis kaya sumaklolo ang kanyang utol na babae na si Elizabeth. Dito na pinagtataga ni Elizabeth ang biktimang senglot. Habang sumuko naman si Elizabeth sa pulisya.

Show comments