Konsehal dedo sa kuryente

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines – Nagwakas ang serbisyo sa taumbayan ng 34-anyos na barangay konsehal matapos itong makuryente at mamatay dahil sa pag-aayos ng street light sa kalsada sa Barangay Agdangan sa bayan ng Baao, Camarines Sur kahapon ng umaga. Idineklarang patay sa Dr. Robosa Hospital ang biktimang si Kagawad Sunday Sorsosa Jr. ng Zona Istasyon. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na inaayos ng biktima ang street light ng kanilang barangay nang mangisay matapos mapahawak sa talop ng linya kuryente. Kaagad na sumaklolo ang mga kabarangay ng biktima subalit maagap si kamatayan.

Show comments