Binata magpapa-load, itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang 28-an­yos na binata matapos na pagbabarilin habang naghahanap ng tindahan para magpa-load sa kaniyang cell phone sa Bayugan City, Agusan del Sur kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nasawing biktima na si Margarito Bactol Jr. ng Barangay Taglatawan. Ayon sa imbestigasyon, dumalo ang biktima sa vigil na ginaganap sa kanilang lugar at napilitang lumabas matapos na maubusan ng load. Gayon pa man, habang naglalakad ay biglang pinagbabaril ng hindi pa kilalang mga armadong lalaki. Naisugod pa sa Bayugan City Community Hospital ang biktima pero nabigong maisalba ang buhay nito.

Show comments