Magka-live-in bugaw, dakma

NUEVA ECIJA, Philippines – Nagwakas ang pambubugaw sa  mga menor-de-edad na babae ang magka-live-in makaraang maaresto sa entrapment operation ng pulisya sa Maharlika Highway sa panulukan ng Bonifacio St., Barangay Abar 1st sa San Jose City, Nueva Ecija noong Biyernes ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Princess Collado, 28; at Mark Ryan dela Cruz, 28, kapwa nakatira sa Zone 1, Sanchez St., Barangay Crisanto Sanchez. Nasakote ang mga suspek matapos magreklamo ang mga magulang ng 17-anyos na babae na sinasabing ibinugaw sa ilang kalalakihan para sa panandaliang aliw.

Show comments