5 tulak dakma sa buy-bust

ZAMBALES, Philippines — Lima-katao na pinaniniwalaang notoryus na tulak ng bawal na droga ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at Presidential Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Barangay Calapacuan sa bayan ng Subic, Zambales kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Nestor “Toto” Oquendo,49, Ariel “Nano” Infante, 24; Arthur “Atong “ Wilson, 40, ng Purok 4, Mangohig St., Barangay Calapacuan, Subic, Zambales; Archie Roxas, 30, at si Arve Alecando, 30, kapwa nakatira sa bayan ng Orion, Bataan. Sa ulat ni P/Senior Insp. Jelson Dayupay, nasamsam sa mga suspek ang 10-piraso ng plastic sachet na shabu, mark money at iba pang ipinagbabawal na gamot.

Show comments