Kano nanapak ng pulis

CEBU CITY, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng 50-anyos na Kano matapos sapakin ang isang pulis na rumesponde sa kaguluhan sa Toledo City Terminal sa Sitio Lunay sa Barangay Poblacion, Toledo City, Cebu noong Huwebes ng gabi. Ayon kay SPO4 Carmelito Hornales, humingi ng tulong si Jocelyn Marinay kay PO3 Celso Maguidato para payapain ang suspek na si Eduard Scott Lessor ng Magsaysay Hills, Barangay Poblacion. Kaagad namang rumesponde si PO3 Maguidato kung saan nagpakilala itong pulis at pinauuwi na lamang ang suspek na lango sa alak subalit bigla siyang sinapak nito. Dito na i­naresto ni PO3 Maquidato ang suspek bago dinala sa himpilan ng pulisya. Nakapagpiyansa naman si Lessor ng P6,000 para pansamantalang makalaya. Freeman News Service

Show comments