2 karnaper tiklo

GUIGUINTO,Bulacan, Philippines   Arestado ang dalawa sa anim na pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na carnapping gang habang nabawi naman mula sa mga ito ang tatlong kinarnap na motorsiklo at dalawang get-away vehicle sa inilatag na checkpoint sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyan namang nakadetine ang dalawang suspek na sina Jeffrey Landayan, 29, ng Sampaloc, Manila at Kevin Davis, 19, 3rd year college student, ng La Loma, Quezon City habang kasalukuyan pang pinaghahanap ang mga nakatakas ng mga itong kasamahan.

Ang mga suspek ang tumangay sa motorsiklo ng mga biktimang sina Zelean Bernardo, 18, ng Guiguinto; Kenneth Patrick Joson ng Malolos City at Paul Gerald Ramos ng Valenzuela City.

Sa ulat ni Supt. Elvis Diaz, dakong alas-9:07 ng gabi ng maglatag ng checkpoint ang mga awtoridad matapos makatanggap ng impormasyon sa biktimang si Bernardo na kinarnap ang kaniyang motorsiklong Yamaha MIO (6524-IT) na nagresulta sa pagkakasabat sa mga suspek sa Brgy Tabang sa bayang ito.

Narekober naman sa mga suspek ang isang Suzuki Raider 150 ( 4064-OH ) na pag-aari ni Joson,Yamaha MIO Soul ( 3125-TC ) na pag-aari ni Ramos habang narekober din ang isang Yamaha Nouvo ( 6878-TO ) at isang Yamaha MC ( 6262-OD ) na ginamit bilang gate-away vehicle ng mga suspek . 

 

Show comments