QUEZON, Philippines – Tinatayang aabot sa P.630 milyong cash ang nalimas ng mga di-kilalang kalalakihan matapos holdapin ang sangay ng Small Town Lottery sa Barangay Poblacion sa bayan ng Tagkawayan sa Quezon kamakalawa ng gabi. Ayon kina PO2 Nestor de la Peña at PO1 Ronaldo Dionido, dakong alas-10-30 ng gabi nang pasukin at holdapin ang pitong kawani ng STL na sina Marc Allen Nanong, cashier; Celso Roman, Ronilo Donato, Roque Falculan, Arnold Cabutero, Jayson Sora, Jeffrey Manalo at si Ryn Bryn Deseo. Walang nagawa ang mga kawani matapos tutukan ng baril saka nagdeklara ng holdap.