Misis ni-rape slay ng adik

CAMARINES NORTE, Philippines   - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 29-anyos na misis matapos itong halayin ay tinadtad pa ng saksak ng di-kilalang lalaki na sinasabing lango sa bawal na droga sa Barangay Magcas, Sagñay, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Aabot sa 68-saksak katawan ang tumapos sa buhay ni Marife Rivero ng Sitio Mapanatag, Brgy May-anao, Tigaon, Camarines Sur. Malaki ang paniniwala ng pulisya na nanlaban ang biktima sa suspek matapos na ito ay gahasain bago pinagsasaksak. Sa inisyal na imbestigasyon, huling namataan ang biktima na dumalo sa sayawan sa nasabing barangay kung saan sinasabing inabangan ng suspek saka isinagawa ang krimen.

Show comments