3 dedo sa raid vs pirated DVDs

Manila, Philippines -  Tatlo-katao ang iniulat na napatay kabilang ang dalawang kawani ng city hall matapos isagawa ang pagsalakay laban sa mga nagtitinda ng piniratang CDs at DVDs sa palengke ng P. Oliveros sa Barangay San Roque, Antipolo City, Rizal kahapon ng umaga.

Dalawa sa mga nasawi ay nakilalang sina Marcelo Gamboa, 41; at Antonio Hetajove, 35, kapwa kawani ng Antipolo City Hall na nakatalaga sa Public Order and Safety Office (POSO). Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng vendor na sinasabing suspek sa pamamaril at nakapatay sa dalawa.

Ayon kay Joey Marco ng Antipolo Rescue Team, habang nagsasagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng POSO laban sa mga nagtitinda ng pirated CDs at DVDs sa palengke nang manlaban ang mga vendor.

Papatakas na sana ang vendor na bumaril sa dalawang biktima nang magresponde ang mga pulis kaya nagkaroon ng ilang minutong palitan ng putok hanggang tamaan at masawi rin ang hindi pa kilalang vendor.

Show comments