Doktor kritikal sa ambush

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 40-anyos na doktor matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang kalalakihan sa highway ng Barangay Guia sa bayan ng Pandan, Antique kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Dr. Laartes Amihan, doktor sa Justice Calixto Saldivar Memorial Hospital sa Antique. Patuloy namang isinalba ang buhay ng biktima sa Aklan Provincial Hospital matapos na magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Lumilitaw na nagmamaneho ng kaniyang sasakyan ang biktima patungo sa pinagsisilbihan nitong hospital para mag-duty nang harangin at pagbabarilin. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng M16 rifle.

Show comments