22 pampasabog narekober

BULACAN, Philippines – Tinatayang aabot sa 22 vintage bomb ang natagpuan sa bisinidad ng Ipo Dam sa Barangay San Mateo, Norzagaray, Bulacan kahapon ng umaga. Sa ulat na nakarating kay Col. Hilario Vicente Lagnada ng 56th Infantry Battalion ng Phil. Army, nadiskubre ang mga bomba ng isang katutubong Dumagat kaya kaagad na ipinaalam sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan. Nabatid na hindi na maaring ibiyahe patungong kampo ang mga pampasabog. Kabilang sa 22 pampasabog na natagpuan at inilagay na sa isang lugar para pasabugin ay 19 sinaunang Granada, drop bomb na may profeller at 2 piraso ng 5.56mm Howitzer canon bomb.

Show comments