Chairman inutas sa hapag-kainan

MANILA, Philippines - Napaslang ang barangay chairman matapos pagbabarilin ng kaaway nitong mortal  sa harapan ng kaniyang pamilya habang na nananghalian sa Barangay Tabuk, Isabela City, Basilan kamakalawa ng hapon. Limang bala ng cal. 45 pistol ang tumama sa katawan at idineklarang patay sa Basilan Community Hospital si Chairman Etub-Etub ng Sumisip, Basilan. Lumilitaw na nanananghalian ang biktima kasalo ang kaniyang pamilya nang lapitan at ratratin ng suspek na si Tukul Gapur. Hindi naman idinamay ang pamilya nito dahil ang biktima lamang ang pinuntirya ng suspek. Sinisilip ng pulisya ang anggulo ng personal na alitan sa motibo ng krimen.

Show comments