Binata dinedo ng karibal

CAVITE, Philippines  – Binaril at napatay ang 26-anyos na binata habang ito ay naglalakad kasama ang nililigawang babae sa Barangay Maderan sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite kamakalawa ng madaling araw. Napuruhan sa dibdib at idineklarang patay sa San Jose Medical Hospital si Danilo De Luna, tubong Samar at nakatira sa Barangay Poblacion 1 sa nasabing bayan. Sa imbistigasyon ni PO1 Jayson Peranil, naglalakad ang biktima kasama ang nililigawang si Faith Ducena nang lapitan at barilin ng di-kilalang lalaki na sinasabing karibal ng biktima sa panliligaw.

Show comments