2 tinodas sa karinderya

BULACAN , Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi matapos pagbabarilin ng dikilalang lalaki sa loob ng karinderya sa Barangay Minuyan sa bayan ng Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa ospital ang mga biktimang sina Fernando Cuaresma at Erwin Osorio habang nakatakas naman ang suspek na si Jovert Balitustus. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na puntirya ng gunman si Osorio subalit nadamay lamang si Cuaresma na kumakain din sa nasabing karinderya.

Show comments