CAMARINES NORTE, Philippines – Nagdeklara na ng diarrhea outbreak ang mga opisyal matapos na tumaas na sa 186 na pasyente ang tinamaan ng sakit na diarrhea ang naitala sa 11 barangay sa bayan ng Nabua, Camarines Sur.
Sa ipinalabas na ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nangunguna ang Brgy. San Antonio Poblacion na may naitalang 98 kaso, sinusundan ng La Purisima, 24; Sto Domingo, 23; Sta Lucia, 19; Sta Cruz, 5; Bustrac, 4; San Isidro 4, San Juan, 3; San Jose, 2; at Brgy Santiago Old, 1 o kabuuang 186 biktima.
Una ng napaulat kamakailan na dalawa ang binawian ng buhay sa diarrhea sa bayang ito na sina Jesus Daliva, 63 ng Brgy. Sto. Domingo at Cornelio Espalmado, 7 anyos ng Brgy. La Purisima.
Samantalang sa bayan ng Oas, Albay ay nasa 52 katao ang tinamaan ng diarrhea.
Patuloy naman ang pamamahagi ng orisol o chlorine ng Rural Health Unit sa mga barangay na apektado ng nasabing sakit at kumuha na rin ng sample ng tubig sa balon na ginagamit ng mga residente dito upang masuri.