Tiktik ng militar itinumba

CAMARINES NORTE, Philippines – Napatay ang dating barangay tanod na sinasabing naging tiktik ng military matapos pagbabarilin ng dalawang New People’s Army sa bayan ng Goa, Camarines Sur kamakalawa. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Edmundo Sarcilla 48, ng nasabing bayan. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, huling namataang buhay ang biktima na namamasada na may lulang dalawang pasahero nang umalingaw­ngaw ang malakas na putok ng baril. Pinaniniwalaang nagpanggap na pasahero ang dalawa bago isinagawa ang pamamaslang sa biktima.

Show comments