2 minero tiklo sa baril at bala

CAMARINES NORTE, Philippines - Kalaboso ang dalawang mi­nero matapos makumpiskahan ng dalawang baril, bala at patalim sa isinagawang operasyon ng pulisya sa bahagi ng Purok 4, Sitio Sta. Ana, Barangay Luklukan Sur sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa ng madaling araw. Pormal na kinasuhan ni P/Senior Insp. James Baugbog ang mga suspek na sina Joel Parma, 38; at Ramon Pacheco, 36, kapwa nakatira sa Purok 2, Barangay San Vicente, Pamplona, Camarines Sur. Ang dalawa na inaresto sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Roberto Escaro ng Daet Regional Trial Court Branch 38 ay nakumpiskahan ng dalawang baril, mga bala at patalim.

Show comments