CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang hindi nakayanan ang matinding kahirapan sa buhay kaya nagdesisyong magbigti ng 42-anyos na mister sa kulungan ng baboy sa Barangay Sinaliw Malaki sa bayan ng Alfonso, Cavite kamakalawa. Bandang alas-7 ng umaga nang matagpuang nakabitin ang biktimang si Pilmor Tobias. Nabatid na bago magpakamatay ang biktima ay namataan itong hawak ang cellphone at nagte-text. Nag-iwan ng suicide message ang biktima sa kanyang cellphone kung saan humingi ito ng tawad sa kanyang mga kapatid at magulang.