2 holdaper bulagta sa shootout

BULACAN, Philippines – Dalawang armadong lalaki na sinasabing notoryus na holdaper ang bumulagta matapos makabarilan ang mga ope­ratiba ng pulisya sa Barangay Batia sa bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng hapon. Lumilitaw na hinoldap ng da­lawa ang kolektor ng money lending na si Joel Del Rosario matapos maningil ng pautang sa ilang residente sa nabanggit na barangay. Natiyempuhan naman ng mga tauhan ni P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr. ang dalawang holdaper kaya nagkahabulan hanggang sa mauwi sa shootout kung saan du­guang bumulagta ang da­lawa na kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan. Narekober naman ang dalawang baril, P35,000 koleksyon ni Del Rosario at motorsiklo.

Show comments