Negosyante utas sa tandem

CAMARINES NORTE, Philippines – Bulagta ang 41-anyos na negosyante matapos ratratin ng riding-in-tandem sa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay Anahaw sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Sa ulat ni P/Chief Insp. Eusebio Arturo Estopares, bandang alas-11:40 ng umaga nang  lapitan at pagbabarilin ang biktimang si Edwin Corral ng Barangay Matoog-toog, Mercedesa, Camarines Norte. Napuruhan sa ulo ang bikrtima habang narekober naman sa crime scene ang anim na basyo ng bala.

Show comments