Mister binigti, pinutulan ng daliri

MANILA, Philippines - Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang mister matapos pahirapan at putulan ng dalawang daliri ay binigti pa sa punong kahoy ng mga di-kilalang lalaki sa Sta Rosa City, Laguna , kamakalawa.

Ang biktima  na tinukoy lamang sa alyas Enrico Putol ay nasa 30 hanggang 35-anyos, may taas na 5“4 talampakan, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng short at berdeng t-shirt.

Nabatid na nagroronda sa lugar ang security guard  ng Metallum Engineering Corp. pasado alas-4 ng hapon kamakalawa nang mamataan may nakabiting bangkay sa puno ng aratiles sa tabi ng highway sa Barangay Macabling.

Kaagad namang rumes­ponde ang mga tauhan ni P/Supt. Ismael Fernandez kung saan naibaba sa puno sa bakanteng lote ang bangkay ng bikima.

Samantalang pinutulan rin ito ng kanang hintuturo at palasinsingan sa kanang daliri.

Show comments