2 bata nalunod sa dam

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dahil sa matinding init ng panahon, dalawang dalagita ang nagpasyang maligo kasama ang ilang kaibigan na nagtungo sa water impounding dam upang magtampisaw subalit nakasalubong si kamatayan matapos malunod kamakalawa sa Barangay Puraw Dalag sa bayan ng Sta. Maria, Isabela. Kinilala ang dalawang nene na nasawi na sina Angelica Guillermo,14; at Martilada Bangayan, 12, na kapwa nakatira sa Barangay Poblacion Uno sa nasabing bayan. Nabatid na nagkayayaan ang grupo ng dalawa na magtampisaw sa water impounding system na inakala nilang mababaw lamang.

Show comments