2 todas sa heat stroke

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matinding init ng panahon ang kumitil sa buhay ng dalawang sibilyan sa magkahiwalay na insidente ng heat stroke sa Cagayan at Bulacan kamaka­lawa.Sa ulat ni P/Senior Insp. Arthur Sto. Thomas, hepe ng pulisya ng Baggao, si Engr. Rene Baculi na kawani ng National Irrigation Adm. Sa Barangay San Miguel ay nadale ng heat stroke sa idinaos na salu-salo ng kanyang mga katrabaho sa dinarayong kuweba sa nabanggit na bayan. Samantala, si Prospero Cristo Jr., 33, ng Barangay Biclat, San Miguel, Bulacan ay natagpuang patay sa dalampasigan na sinasabing nadale rin ng heat stroke. Raymund Catindig at Boy Cruz 

Show comments