Birthday celebrant kinatay

MAKILALA, North Cotabato, Philippines - Nakapagdiwang pa ng kaarawan ang 46-anyos na magsasaka bago mapatay sa taga ng kanyang kapitbahay sa Purok 3, Barangay Batasan sa bayan ng Makilala, North Cotabato noong Martes. Ayon sa report, nagtatrabaho sa bukid ang suspek na si Zacarias Obida nang hamunin ng tagaan ng biktimang si Rene Ipondo. Sinikap ng anak ng suspek na pahupain ang galit ng nagwawalang si Ipondo. Subalit lalo pa itong nanggigil at hinabol ang anak ng suspek na si Arman Obida. Dito na pumalag ang suspect kaya hinabol din ang biktima. Nag-agawan ng itak ang dalawa kung saan nakuha naman ng suspect saka ginamit laban sa biktima.

Show comments