Koreano nagbaril sa ulo

CAVITE, Philippines  – Pinaniniwalaang may matinding problema sa pananalapi ang 52-anyos na Koreano kaya nagdesisyong magbaril sa ulo sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Malagasang II-B sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng madaling araw. Idineklarang patay sa UMC Hospital si Kim Jae Heung ng Black 5, Lot 15, Greenmark Subdivision sa nabanggit na barangay at golf instructor. Base sa police report, dakong alas- 4:45 ng madaling araw nang marinig ng kasambahay ang malakas na putok ng baril kung saan natagpuan ang duguang katawan ng biktima na nasa loob ng kanyang silid.

Show comments