2 sundalo tiklo sa gun running

CAMARINES NORTE, Philippines  – Kalaboso ang dalawang sundalo ng Phil. Army matapos madakma ng mga oepratiba ng pulisya sa pagbebenta ng iba’t ibang uri ng baril sa Barangay Dapdap, Legaspi City, Albay noong nakalipas na linggo. Kinilala ni P/Senior Insp. Steve Dela Rosa ng Intelligence Section ng PNP Legaspi, ang mga suspek na sina Private First Class Salvador de Sena, 26, ng Barangay San Roque, Bula, Camarines Sur; at Pfc. Ramon Paderes, 27, ng Barangay Hermosa, Daraga, Albay, kapwa nakatalaga sa Army’s 901st Infantry Brigade. Ang mga suspek ay naaresto sa inilatag na entrapment operation kung saan nakumpiskahan ng dalawang baril at ilang bala na walang kaukulang papeles.

Show comments