CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Philippines – Durog ang ulo at lasug-lasog ang katawan ng 79-anyos na ama matapos itong palakulin ng sariling anak noong Biyernes ng tanghali sa bayan ng Pinamalayan, Oriental Mindoro.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Claro M. Lalog, biyudo, na halos hindi na makilala nang datnan ng mga rumespondeng pulis sa bahay nito sa Sitio Molasong, Pambisang Malaki sa nasabing bayan.
Sa ulat ni P/Supt. Jonathan P. Paguio, hepe ng Pinamalayan municipal police station kay P/Senior Supt. Anthony Alcañeces, police provincial director, nag-iinuman sa loob ng kanilang bahay ang matandang Lalog at ang anak na si Gary Lalog, 31, bandang alas-10:20 ng umaga nang mauwi ang usapan ng mag-ama sa mainitang pagtatalo.
Kasunod nito ay narinig na lamang ng mga kapitbahay na humihingi ng saklolo ang matanda, subalit hindi na nagawang matulungan dahil agad na pinagpapalakol ng anak ang kanyang ama.
Sa paliwanag ni Colonel Alcañeces, halos hindi na makilala ang ama dahil nagtamo ito ng maraming sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.