Magpinsan kinatay

CAMARINES NORTE, Philippines   – Duguang bumulagta ang isang magpinsan makaraang mag-amok ang kanilang tiyuhin na walang habas ang mga itong pinagtataga sa Brgy. Villa Hermosa Batan, Rapu-Rapu, Albay kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Vicente Bulga at Artemio Buiza habang ang suspek ay nakilala namang si Reynaldo Calisin, 60-anyos. 

Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang pinagtataga ng matanda ang kaniyang mga pamangkin na labis na ipinagtataka ng kanilang mga kamag-anak.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang itak na ginamit sa krimen.

Naglunsad na ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa salarin.

Show comments