Mag-ama niratrat sa tindahan

CAVITE, Philippines – Napaslang ang 34-anyos na lalaki habang malubha naman ang kanyang ama at kasambahay matapos na ratratin ang kanilang tindahan sa Barangay San Francisco sa bayan ng General Trias, Cavite, kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Asia Medic Hospital ang biktimang si Erwin Sumagpao habang kritikal naman sina Paterno Sumagpao, 66, at Shenabe Vasquez, pawang nakatira sa Tropical Village ng nasabing bayan. Samantala, tugis na ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas Manok.

Show comments