CAMARINES NORTE, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang 13 Tsino na nag-iingat ng tone-toneladang dinamita na pinaniniwalaang gagamitin sa pagmimina sa bahagi ng Sitio Binggit, Barangay Himagtucon sa bayan ng Lagonoy , Camarines Sur kamakalawa. Ayon sa ulat ng Lagonoy PNP, mismong si Mayor Delfin Pilapil Jr. ang nagpaabot ng reklamo sa tropa militar at pulisya matapos na makarating ang impormasyon sa kanyang tanggapan na saku-sakong dinamita ang tinatago sa bodega ng mga dayuhang Tsino. Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng 13 Tsino habang nakakulong sa himpilan ng pulisya sa Lagonoy.