NUEVA ECIJA, Philippines – Arestado ang isang 26-anyos na binata makaraang ireklamo ng limang beses na panggagahasa sa 11-anyos na dalagita na anak ng kaniyang live-in partner sa Brgy. Sto Domingo, Nueva Ecija, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Ang suspek na si Sarry Consigna ay sinampahan ng kasong multiple rape in relation to RA 7610 matapos na magpakasasa sa katawan ng biktima na isang incoming grade 6 pupil.
Ayon sa biktima na itinago sa pangalang Anna, tuwing wala sa kanilang bahay ang kanyang ina saka umano isinasakatuparan ng suspek ang maitim na pagnanasa nito sa kanya. Una umano siyang ni-rape ng suspek noong gabi ng March 29 ng taong kasalukuyan, habang matutulog na ito sa kanyang kuwarto.
Dahil sa takot ay apat na beses pang naulit ang panghahalay sa biktima noong Marso 31, Abril 2, 5, at 17.
Hindi na rin makapagtiis, ipinagtapat na rin ng biktima sa kanyang lola ang mapait na sinapit sa live-in partner ng kanyang ina na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.