Lesbian dinukot, pinilahan

CEBU, Philippines  – Dinukot muna bago pinilahan ang 25-anyos na tomboy (lesbian) noong Lunes ng hapon sa Sitio Pailog, Barangay Sambag 1, Cebu City, Cebu. Lumilitaw na nag-shopping ang biktima sa downtown area nang lapitan at palihim na tutukan ng patalim ng apat na kalalakihan. Isinakay sa taxi ang biktima saka dinala sa room for rent sa kahabaan ng Urgello Street kung saan naganap ang panghahalay. Nagawa namang tawagan ng biktima ang kanyang syota matapos na pilahan ito kaya naaresto ng pulisya ang isa sa suspek na si Glen Norbasa. Ayon kay SPO2 Vincent Taladua ng PNP Cebu City Intelligence Branch, nailigtas naman ang biktima na nakatira sa Sunrise Village sa Barangay Pardo, Cebu City at dinala sa Pink Room ng Vicente Sotto Memorial Medical Center na sumailalim sa pagsusuri.

Show comments