Pulis binaril ni mayor

MANILA, Philippines - Nasa hot water ngayon ang isang alkalde matapos itong masangkot sa pamamaril at pagkasugat ng isang pulis matapos ang mainitang pagtatalo sa compound ng tahanan ng opisyal sa Sta. Maria, Isabela kamakalawa.

 Kinilala ang biktima na si SPO1 Wilfredo Datul, nakatalaga sa Sta. Maria Police Station, patuloy na nilalapatan ng lunas sa Saint Paul Hospital sa tinamong sugat sa kaliwang paa.

 Nahaharap naman sa kasong kriminal si Mayor Davis Omar Masigan, al­kalde sa bayang ito.

 Batay sa ulat, sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., naganap ang insidente sa compound ng tahanan ng alkalde na matatagpuan sa Brgy. Poblacion 1, Sta Maria  ng lalawigan dakong alas-2:50 ng madaling araw.

 Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng alkalde at ng nasabing parak sa hindi pa malamang dahilan kung saan sa tindi ng galit ng lokal na opisyal ay binaril ang nasabing pulis.

 Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

Show comments