Durugista dinedo sa kalsada

CAVITE, Philippines - Pinaniniwalaang away sa bawal na droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril at napatay ang 28-anyos na lalaki ng kanyang nakaalitan sa bahagi ng Barangay Zapote 1 sa bayan ng Bacoor, Cavite kamaka­lawa. Namatay habang ginagamot sa St. Dominic Hospital ang biktimang si Rolando Saulog habang nasakote naman ang suspek na si  Louie Bandialan Gamboa, 35, may-asawa, ng Barangay  Andrea Village 1, Asucena Street sa Barangay Panapaan sa nasabing bayan. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na nagkainitan ang dalawa na humantong sa pamamaril ng suspek. Narekober naman ng nurse na gumamot sa biktima ang ilang transparent plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakalagay sa bulsa nito.

Show comments