Opisyal ng DepEd utas sa tandem

KABACAN, North Cotabato ,Philippines  – Napatay sa ang 52-anyos na opisyal ng Department of Education sa Maguindanao matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng hapon. Ayon sa report ng Kabacan PNP, nagpapahinga ang biktimang si Taya Sabal Las Marias sa labas ng kanyang boarding house na pag-aari ng pamilya Cadi nang lapitan at ratratin bandang alauna y medya ng hapon. Napuruhan sa ulo at dibdib ang biktima kung saan mabilis na tumakas ang gunman palabas ng USM Avenue sakay ng motorsiklo. Sa testimonya ng ilang testigo, may kasama ang gunman na nagsilbing lookout at driver ng motorsiklo na ginamit sa pagtakas.

Show comments