Inhinyero ng DOTC kinidnap

MANILA, Philippines - Isang Inhinyero ng Depatment of Transportation and Communications (DOTC) ang iniulat na kinidnap ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Jolo, Sulu, kamaka­lawa ng gabi. Ayon kay Lt. Col. Randolf Cabangbang ng Western command ng Philippine Army, si Engr. Carlos Tee, may-ari rin ng gasolihan sa nabanggit na bayan ay dinukot ganap na alas-4 ng hapon. Sinasabing ang insidente ay naganap dakong alas-7:30 ng gabi noong Sabado malapit sa bahay ng biktima sa kahabaan ng HJ Butu extension. Nabatid na isinakay sa Toyota van ang biktima bago tumulak sa direksyon ng Scott Road-Asturias. Naglunsad ng search and rescue operation ang mga tauhan ng pulisya at military laban sa mga kidnaper.

Show comments