Testigo sa nakawan itinumba

CAMARINES NORTE, Philippines - Pinahirapan muna bago pinatay ang 20-anyos na lalaki na sinasabing pangunahing testigo sa serye ng nakawan sa tatlong pawnshop sa bayang Daet, Camarines Norte. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Richard Quinito ng  Salcedo Street sa Barangay 8 sa bayan ng Daet. Ang biktima ay dinukot ng mga armadong kalalakihan noong Linggo ng madaling araw habang ito ay natutulog sa loob ng bus terminal bandang alas 2 ng madaling araw. Itinapon ang bangkay ng biktima sa bahagi ng Sitio Nalisan, Brgy. Tuaca sa bayan ng Basud, Camarines Norte. Lumalabas sa imbestigasyon ng mga tauhan ni P/Supt. Allan Ramos, ang biktima ay gagawin sanang testigo kaugnay sa nakawang naganap noong Pebrero 19 kung saan nalimas ang P10 milyong ari-arian mula sa tatlong pawnshop.

Show comments