Coed pinilahan sa inuman

BULACAN, Philippines  – Maagang napariwara ang pagkababae ng 16-anyos na estudyante matapos pilahan ng apat na kalalakihan kabilang na ang manliligaw nito sa pakikipag-inuman ng alak kamakalawa ng gabi sa Barangay Calvario sa Meycauayan City, ­Bulacan.

Ang biktimang itinago sa pangalang Katya ng Novaliches, Quezon City ay dumulog sa himpilan ng pulisya para ireklamo ang mga suspek.

Nasakote naman ng pulisya ang dalawa sa apat na suspek na sina Jomari Iñigo, 19, manliligaw ng biktima, ng Brgy. Salusoy; at Federico Raso, 19, ng Brgy. Calvario.

Tugis naman ang dalawa pang suspek na sina Roger De Guzman at Joshua Pulera, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Hector Samar, lumilitaw na nakipag-inuman ang biktima sa mga suspek sa bakanteng kubo kung saan ay nakatulog ito dahil sa pagkalango.

Dito na sinamantala ni Iñigo na halayin ang dalaga sa harap ng kanyang mga kaibigan at sinundan ng iba pang suspek.

Show comments