4 bulagta sa salpukan ng motorsiklo

MANILA, Philippines - Apat-katao ang kumpirmadong nasawi matapos magbanggaan ang dalawang motorsiklo kamaka­lawa ng hapon sa kahabaan ng highway sa bayan ng Tantangan, South Cotabato noong Martes ng madaling-araw.

Kabilang sa mga namatay sina Anthony Lauya, backrider nitong si Ron Rick Villar habang mula naman sa isa pang motorsiklo ay sina Michael Cahandig at backrider na si Helen Cahandig.

Isinugod naman sa pa­gamutan ang mga sugatang biktima na sina Lenny Mao at isang alyas Ella.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas -3:30 ng mada­ling araw nang magsalpukan ang magkasalubong na motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Purok Acacia, Barangay New Iloilo.

Samantala, lumilitaw pa sa imbestigasyon ni PO1 Federico Pulido na pawang nasa impluwensya ng alak ang dalawang driver ng motorsiklo.

Show comments