TUGUEGARAO CITY ,Philippines - Pinaniniwalaang nasobrahan sa pakikipagtalik sa isang babae ang 56-anyos na opisyal ng National Intelligence and Coordinating Agency (NICA) kaya natigok sa loob ng motel sa Barangay Nungnunungan, Cauayan City, Isabela kamakalawa ng gabi.
Naisugod pa sa ospital subalit idineklarang si Miguel Amlag, tubong Baguio City at nakatira sa safehouse ng NICA sa Barangay San Fermin sa nasabing lungsod.
Sa police report, lumilitaw na nag-check-in sa motel ang biktima na may kasamang babae dakong alas-6 ng gabi.
Ilang minuto ang nakalipas ay nagsisisigaw ang babae na kasama ng biktima habang ito ay nasa loob ng kuwarto kung saan inakala naman ng ilang staff ng motel ay nag-eenjoy lang ang dalawa.
Subalit nag-alala na ang mga staff ng motel nang magkasunud-sunod na sumisigaw ang babae kaya naman napasugod ang mga ito sa kinaroroonan ng dalawa.
Dito na bumungad ang biktima na tumitirik na ang mga mata habang nakahiga sa kama.
May teorya ang pulisya na inatake sa puso ang biktima habang nakikipagtalik sa babae.