1,356 pirasong troso nasamsam

CAMARINES NORTE, Philippines - Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 77, PD 705 ang isang konsehal makaraang makumpiskahan ng 69 pirasong red at white lauan sa Purok 2, Barangay Lukbanan sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Ayon kay Marizon J. Vega, Cenro forestry specialist,  sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Roberto A. Escaro ng Daet Regional Trial Court Branch 38, sinalakay ng mga opisyal ng DENR kasama ang dalawang barangay tanod ang compound ni Councilor Julian “JayPee” Portugal. Wala naman si kagawad Portugal sa kanyang tahanan nang isagawa ang operasyon ng mga awtoridad. Pansamantalang dinala sa Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr. ang nasamsam na troso.

Show comments