7 wanted nadakma

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pito-katao na pawang may mga nakabinbing kasong kriminal ang nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang operation simula noong Linggo hanggang kahapon sa lalawigan ng Masbate. Kinilala ni P/Supt. Enrique Magalona, ang mga suspek na sina Edgar Rosales, Ruel Rosales na may kasong murder sa Barangay Ban-ao, Placer, Masbate kung saan may patong sa ulo na P90,000. Sina Ramon Botigan at Ropando Florendo ay naaresto naman sa Brgy. Badian sa bayan ng Cagtaingan. Samantala, si Fernando Botigan na may kasong murder ay nadakma naman sa Barangay Poblacion at si Marcial Vidal ay naaresto sa bayan ng Palanas habang si Mariano Vidal ay nasakote sa Barangay Candelaria sa bayan ng Uson.

Show comments