Ret. Army itinumba

TUGUEGARAO CITY ,Philippines  - Isang retiradong sarhento ng Philippine Army ang pinabulagta matapos ratratin ng mga nanloob na rebeldeng New People’s Army sa Barangay Gangalan sa bayan ng San Mariano, Isabela kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Wilfredo Velerio, 62. Lumilitaw na pumasok sa bakuran ang grupo ni Ka Jerome kung saan apat sa mga ito ang lumapit at pinagbabaril ang biktima na nagkukum­puni ng sasakyan. Hinalughog pa ng mga rebelde ang compound ng biktima bago tumakas patungo sa kagubatan ng Sierra Madre.

Show comments