2 tulak arestado

BULACAN, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng dalawang lalaki matapos madakma ng pulisya na nagbebenta ng bawal na droga sa magkahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Bulacan kahapon. Si Artemio Acuna, 46, ay nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Barangay Tugatog sa Meycauayan City kung saan nakumpiskahan ng 5-plastic sachet na shabu. Samantala, si Juanito Faa Jr., 39, ay dinakma ng pulisya sa bisinidad ng Area D, Sapang Palay, San Jose Del Monte City kung saan nasamsaman ang 2-sachet ng shabu.

Show comments