60 pamilya nasunugan

ZAMBOANGA CITY, Philippines - Tinatayang aabot sa 60 pamilya na may kabuong 300-katao ang nawalan ng bahay sa naganap na sunog sa Barangay Laguan, Zamboanga City, kahapon.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection office, nagsimula ang apoy sa kandilang naiwan sa magdamag na brownout simula pa noong Sabado ng gabi.

Sa pahayag ni City Fire Marshal Senior Supt. Domingo Zabala, natupok ng apoy ang 50 kabahayan na gawa sa light material sa nasabing barangay.

Wala naman naiulat na nasawi o nasugatan sa sunog kung saan pansamantalang naninirahan ang mga residenteng naapektuhan ng sunog sa covered court sa Labuan Barangay Hall.

Samantala, inatasan na ni Mayor Celso Lobregat ang City Social Welfare Office sa pamamahagi ng relief goods sa mga apektadong pamilya. The Phil. Star News Service 

Show comments