Lider ng NPA bulagta

MANILA, Philippines - Isa na namang lider ng mga rebeldeng New People’s Army ang napaslang matapos makasagupa ang tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Brgy. Butnong sa bayan ng Magdalena, Laguna kamakalawa. Kinilala ang napatay na si Meneses Tena na sinasabing gumagamit ng mga alyas Onad, Tolit at alyas Marlo, platoon leader Magnum ng NPA sa Timog Katagalugan. Napatay si Tena matapos makasagupa ang tropa ni Lt. Col. Jose Villareal  ng 1st Infantry Battalion ng Philippine Army. Wala namang nasugatan sa panig ng tropa ng militar sa naganap na engkuwentro. Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang granada at ilang subersibong dokumento.

Show comments