MANILA, Philippines - Dalawang bandidong Abu Sayyaf ang nasakote ng militar at pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa Isabela City, Basilan kamakalawa.
Sa ulat ni Col. Ricardo Visaya, commander ng Army’s 104th Infantry Brigade, nadakma si Serham Akalon alyas Uttoh Takas sa Sitio Mompol, Upper Benembengan, Batagnay Libog sa bayan ng Sumisip.
Si Akalon na pumuga sa kulungan sa Basilan noong 2009 at may patong sa ulo na P.1 milyon ay may warrant of arrest sa kasong kidnapping for ransom at frustrated murder.
Samantala, si Anni Idris ay nasakote naman sa Isabela City, Basilan noong Martes base sa warrant of arrest na inisyu ni Basilan Judge Leo Jay Principe kaugnay ng kasong kidnapping, serious illegal detention kaugnay ng pagdukot sa 20 katao sa Dos Palmas Beach Resort sa Puerto Princesa City , Palawan noong Mayo 2001.
Nasamsam sa mga suspek ang isang M16 Armalite rifle, Granada at tatlong magazine ng bala.