Trader pinabulagta

CAVITE, Philippines – Isa na namang negosyante ang napatay matapos ratratin ng riding-in-tandem sa kahabaan ng Sta Rosa-Tagaytay Road, Barangay Puting Kahoy sa bayan ng Silang, Cavite kahapon ng umaga. Nasapol sa kaliwang leeg kung saan naisugod pa sa Southern Luzon Hospital subalit idineklarang patay ang biktimang si Eping Ao, 56, may asawa, ng Mariposa Street, Barangay Bagong Lipunan, Quezon City. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagmamaneho ng kotse (XNC 543) ang biktima nang pagbabarilin.

Show comments