Fake PDEA agent, dakma

KIDAPAWAN CITY, Philippines - Isinampa na ang kasong illegal possession of firearms laban sa lalaki na nagpakilalang agent ng Philippine Drug Enforcement Agency na nasakote sa loob ng videoke bar sa isinagawang Operation Kapkap Bakal sa Kidapawan City, North Cotabato. Kinilala ang suspek na si Edwin Brieta ng Magsaysay, Davao del Sur. Ayon kay P/Supt. Reynante Cabico, hepe ng Kidapawan City PNP, dinakma si Brieta sa loob mismo ng Ericki Videoke House sa Quezon Boulevard, Kidapawan City. Nasamsam sa suspek ang ‘di-lisensyadong cal. 38 revolver na may apat na bala. Sinasabing nagpakilala si Brieta na agent ng PDEA pero nang hanapan ng appointment papers ay wala namang maipakitang papeles.

Show comments